Search This Blog

Saturday, November 4, 2017

Wave 2: Bugtong ng Pinoy



MgaHayop

1.   Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso

2. Tungkod ni apo, hindi mahipo.

Sagot: Ahas

3. Bahay ni kahuli, Haligi’y bali-bali, Ang bubong ay kawali.

Sagot: Alimango

4. Heto na si kuya, May sunong sa baga.

Sagot: Alitaptap

5. Pagkatapos na ang reyna’y makapagpagawa ng templo, Siya na rin ang napreso.

Sagot: Anay

6. Heto na si Lulong, Bubulong bulong.

Sagot: Bubuyog

7. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.

Sagot: Kuliglig

8. Munting hayop na pangahas,
 aaligid-aligid sa ningas.

Sagot: Gamu-gamo


9.  Isang hayop na maliit, dumudumi ng sinulid. 

Sagot: Gagamba

10.  Nagbabahay si maitim,
       walang haliging itinanim. 
Sagot: Gagamba

11.    Maliit pa si Tsikito, marunong nang manukso. 

Sagot: Lamok

12.  Naghain si Lolo, unang dumulog ang tukso. 

Sagot: Langaw


13.  Larawan ng kabagalan, uliran ng kasipagan. 

Sagot: Langgam

14.  Maliit pa si kumpare, nakaakyat na sa tore. 

Sagot: Langgam

15.  Tag-ulan at tag-araw hanggang tuhod
ng salawal.

Sagot: Manok

16.       Ang mukha'y parang tao, magaling lumukso. 

Sagot: Matsing

17.      Narito na si katoto, may dala-dalang kubo. 

Sagot: Pagong

18.   Narito na si kaka, sunong sunong ang dampa. 

Sagot: Pagong

19. May ulo'y walang buhok, may tiyan walang pusod. 
Sagot: Palaka

20. Di man isda, di naman itik, nakahuhuni kung   
      ibig, maging sa kati maging sa tubig, ang huni'y
     nakakabuwisit. 
Sagot: Palaka

21.              Nang munti ay may buntot
       nang lumakiy    napugot.

Sagot: Palaka

22.            Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

Sagot: Paru-paro

23.             Sa araw nahimhimbing at sa gabi ay gising. 

Sagot: Paniki

24.             Hindi naman bulag di makakita sa liwanag. 

Sagot: Paniki

25.            Isang bahay na bato, ang takip ay biloa.

Sagot: Suso (snail)

26.            Kinain ko ang isa, itinapon ko ang dalawa.


Sagot: Tulya

2 comments:

  1. Sa araw nahimhimbing at sa gabi ay gising?

    ReplyDelete
  2. Dala dala ko siya, ngunit ako rin ay dala nya. Sagot?

    ReplyDelete