MgaHayop
1.
Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso
2.
Tungkod ni apo, hindi mahipo.
Sagot: Ahas
3.
Bahay ni kahuli, Haligi’y
bali-bali, Ang bubong ay kawali.
Sagot: Alimango
4.
Heto na si kuya, May sunong
sa baga.
Sagot: Alitaptap
5.
Pagkatapos na ang reyna’y makapagpagawa ng templo, Siya na rin ang napreso.
Sagot: Anay
6. Heto
na si Lulong, Bubulong bulong.
Sagot: Bubuyog
7. Maliit pa si kumare, marunong ng
humuni.
Sagot: Kuliglig
8. Munting hayop na pangahas,
aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: Gamu-gamo
9.
Isang
hayop na maliit, dumudumi ng sinulid.
Sagot: Gagamba
10. Nagbabahay
si maitim,
walang haliging itinanim.
Sagot: Gagamba
11. Maliit
pa si Tsikito, marunong nang manukso.
Sagot: Lamok
12. Naghain
si Lolo, unang dumulog ang tukso.
Sagot: Langaw
13. Larawan
ng kabagalan, uliran ng kasipagan.
Sagot: Langgam
14. Maliit
pa si kumpare, nakaakyat na sa tore.
Sagot: Langgam
15. Tag-ulan
at tag-araw hanggang tuhod
ng salawal.
Sagot: Manok
16. Ang mukha'y parang tao, magaling lumukso.
Sagot: Matsing
17.
Narito na si katoto, may dala-dalang kubo.
Sagot: Pagong
18. Narito na si
kaka, sunong sunong ang dampa.
Sagot: Pagong
19. May ulo'y walang buhok, may tiyan walang pusod.
Sagot: Palaka
ibig, maging
sa kati maging sa tubig, ang huni'y
nakakabuwisit.
Sagot: Palaka
21.
Nang munti ay may buntot
nang lumakiy napugot.
Sagot: Palaka
22.
Hindi pari,
hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: Paru-paro
23.
Sa araw nahimhimbing at sa gabi ay gising.
Sagot: Paniki
24.
Hindi naman bulag di
makakita sa liwanag.
Sagot: Paniki
25.
Isang bahay na bato, ang takip ay biloa.
Sagot: Suso
(snail)
26.
Kinain ko ang isa, itinapon
ko ang dalawa.
Sagot: Tulya
Sa araw nahimhimbing at sa gabi ay gising?
ReplyDeleteDala dala ko siya, ngunit ako rin ay dala nya. Sagot?
ReplyDelete