Bugtong
Isang pangungusap, parirala (phrase) o tanong na patalinghaga at kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy maging ng mga nakakatanda .
Maaring ang sagot ay may kinalaman sa mga bagay na nkapalibot sa atin at binibigay bilang isang palaisipan.
Tungkol sa mgaHalaman:
1.
Sa bukid
nagsasaksakan, Sa bahay nagbunutan.
Sagot: Amorseko
2.
Nang sumipot
sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya
3.
Nakatalikod
na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.
Sagot: Balimbing
4.
Palayok ni Isko, Punong-puno ng bato.
Sagot: Bayabas
5.
Yumuko man
ang reyna, di malalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
6.
Bumubuka’y
walang bibig, ngumingit ng tahimik.
Sagot: Bulaklak
7.
Naligo ang senyora, hindi nabasa ang saya.
Sagot: Dahon ng gabi
8.
Hindi Linggo, hindi piyesta,
naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging
9.
Tinaga ko
ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: Gumamela
10. Bahay ni San Vicente ,
punong-puno ng diamante.
Sagot: Granada (prutas)
11. May
tuktok walang mukha.
May
binti walang hita.
Sagot: Kabute
12.
Ang ina’y gumagapang pa, ang anak ay umuupo
na.
Sagot: Kalabasa
13.
Magandang
prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
14.
Nang sanggol pa ay
palalo, mataas na langit ang itinuturo;
nang
lumaki at lumago, sa sariling puno ay yumuko
Sagot: Kawayan
15. Patung-patong na sisidlan,
may takip
ay walang sisidlan
Sagot: Kawayan
16.
Noong bata ay nag
saya, at naghubo nung dalaga
Sagot: Kawayan
17. Kung saan masikip doon nagpipilit.
Sagot: Labong
18.
Baboy ko sa
pulo, ang balahibo'y pako.
Sagot: Langka
19. May sunong, may kilik, may salakab sa puwit.
Sagot: Mais
20. Isang pamalo-palo, libot na libot ng ginto.
Sagot: Mais
21.
Hiyas na
puso, kulay ginto, mabango kung amuyin,
masarap kung kainin.
Sagot: Mangga
22. Tubig sa
ining-ining, di mahipan ng hangin.
Sagot: Niyog
23. Tubig sa angaw-angaw, hindi madapuan ng langaw.
Sagot: Niyog
24. Nagpupuno'y hindi sinisidlan, nakukulanga'y di
binabawasan.
Sagot: Niyog
25.
Balat niya'y
berde, buto niya'y itim, laman niya'y pula,
sino siya?
Sagot: Pakwan
26.
Nang munti pa'y minamahal, nang lumaki na'y pinugutan.
Sagot: Palay
27. Bahay ni
Ka Gomez, punung-puno ng
perdigones.
Sagot: Papaya
28. Ang katawan ay bala, ang bituka'y paminta.
Sagot: Papaya
29.
Ang labas ay tabla-tabla ang loob ay sala-sala.
Sagot: Patola
30. Dahong pinagdahunan, bungang pinagdahunan.
Sagot: Pinya
31. Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok
32. Kung
tawagin nila’y “santo” hindi
naman milagroso.
Sagot: Santol
33. Baboy ko
sa parang, namumula sa tapang.
Sagot: Sili
34. Isda ko sa Maribeles, nasa loob ang kaliskis.
Sagot: Sili
35.
Munting tampipi puno ng
salapi.
Sagot: Sili
36. Nang munti
pa at paruparo, nang
lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
37. Isang tabo, laman
ay pako.
Sagot: Suha
38. Puno na naging tubig, tunig na naging bato,
bato n kinain ng tao.
Sagot: Tubo
No comments:
Post a Comment