Search This Blog

Tuesday, November 7, 2017

Wave 3: Bugtong ng Pinoy


Mga Bagay



1.Walang bibig, walang pakpak,
Kahit hari’y kinakausap.

Sagot:Aklat

2. Manok kong pula inutusan ko
ng umaga umuwi’y gabi  na.

Sagot: Araw

3. Isang biyas ng kawayan,
Maraming lamang kayamanan.

Sagot: Alkansiya

4. Heto, heto na,
Malayo pa’y humahalakhak na.

Sagot: Alon

5. Mayroon akong matapat na alipin,
Sunod nang sunod sa akin.
Sagot: Anino

6. Manok kong pula, Inutusan ko ng umaga,
Nang umuwi’y gabi na.

Sagot: Araw

7. Kung dumating ang bisita ko,
Dumarating din ang sa inyo.

Sagot: Araw
8. Tubig na nagiging bato,
Bato na nagiging tubig.

Sagot: Asin

9. Wala sa langit, wala sa lupa,
Kung lumalakad ay patihaya.

Sagot: Bangka

10. May likod walang tiyan,
Matulin sa karagatan.

Sagot: Bangka


11. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig

12. Isang biyas ng kawayan,
Ang laman ay kamatayan.

Sagot: Baril

13. May katawa’y walang bituka,
May puwit walang paa,
Nakakagat tuwina.

Sagot: Baso
14. Buhay na hindi kumikibo,
Patay na hindi bumabaho.

Sagot: Bato

15. Kung sa ilang, walang kwenta;
Sa gusali mahalaga.

Sagot: Bato
16. Sa buhatan ay may silbi,
   sa igiban ay walang sinabi.
 Sagot: Bayong

17. Hindi tao, hindi hayop,
kung uminom ay salup-salop.

Sagot: Batya

18. Nagsasaing si pusong, Sa ibabaw ang tutong.

Sagot: Bibingka

19. Pinakain ko nang pinakain,
Pagkatapos ay ibinitin.

Sagot: Bingwit

20. Itinanim sa kagabihan,
Inani sa kaumagahan.

Sagot: Bituin
21. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.

Sagot: Bolpen o Pluma

22. Nagbibigay na, sinasakal pa.

Sagot: Bote

23. Isang pinggan, laganap sa buong bayan.

Sagot: Buwan

24. Iisa ang pasukan, tatlo ang labasan.

Sagot: Damit

25. Mahabang-mahaba,
tinutungtungan ng madla. 

Sagot: Daan
26. Nagsaing si Judas, kinuha ang hugas,
itinapon ang bigas. 

Sagot: Gata

27. Kung nakahiga’y patagilid,
kung nakatayo’y patiwarik. 

Sagot: Gulok o itak

28. Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang;
kapag sila’y nag papasyal, nahahawi ang daanan. 

Sagot: Gunting

29. Karga ng karga, walang renta.

Sagot: Haligi
30. Heto, heto na, di mo nakikita. 

Sagot: Hangin

31. Dalawang ibong marikit,
nagtitimbangan ng siit. 

Sagot: Hikaw

32. Isang butil ng palay,
buong bahay ay nakakalatan. 

Sagot: Ilaw

33. Munting bundok,
hindi madampot. 
Sagot: Ipot

34. Bahay ni Kiko, walang bintana, walang pinto.

Sagot: Itlog

35. Binili ko nang di kagustuhan,
Ginamit ko nang di nalalaman. 

Sagot: Kabaong

36. Bugtong-bugtong,
Magkakarugtong. 

Sagot: Kadena

37. Araw araw bagong buhay,
Taun-taon namamatay. 

Sagot: Kalendaryo
38. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

Sagot: Kamiseta

39. May katawan walang mukha,
walng mata’y lumuluha. 

Sagot: Kandila

40. May isang dalagang maganda’t marikit,
hindi lumalaki kundi lumiliit 

Sagot: Kandila

41. Hinila ko ang baging,
nag-ingay ang matsing.

Sagot: Kampana

42. Naririto si Pascualita,
hila-hila ang bituka 

Sagot: Karayom

43. Limang mag kakapatid,
tig-tig-isa ng silid. 

Sagot: Kuko

44. May hita ay walang binti,
may ngipin ay walang labi. 

Sagot: Kudkuran

45. Baka ko sa Maynila abot dito ang unga.

Sagot: Kulog
46. Kadena’y isinabit, sa batok nakakawit. 

Sagot: Kuwintas

47. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

 Sagot: Kubyertos

48. Malaking supot ni Mang Jacob,
     kung sisidlan ay pataob.

Sagot: Kulambo

49. May bintana nguni't walang bubungan,
may pinto   nguni't walang hagdanan.

Sagot: Kumpisalan
50. Itulak at hilahin, sigurado ang kain. 

Sagot: Lagari
51. Butas na tinagpian ng kapwa butas. 

Sagot: Lambat
52. Malapit sa tingin, hindi marating 

Sagot: Langit at Bituin

53. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.

Sagot: Mata

54. Hindi akin, hindi iyo, ari ng lahat ng tao. 

Sagot: Mundo
55. Dalawang magkaibigan,
habulan nang habulan. 

Sagot: Paa
56. Nagtago si Pedro,
nakalitaw ang ulo.

Sagot: Pako
57. Walang pintong pinasukan,
nakapasok sa kalooban. 

Sagot: Pag-Iisip

58. May ulo'y walang mukha,
may katawa'y walang sikmura.
Namamahay ng sadya. 

Sagot: Palito Ng Posporo
59. Sariling-sarili mo na,
ginagamit pa ng iba. 

Sagot: Pangalan

60. Lumalakad, lumuluha, nag-iiwan ng balita. 

Sagot: Panitik, Bolpen o Lapis 

61. Hugis ay bituin, papel na nagniningning.

Sagot: Parol

62. Baboy ko sa Sorsogon, kung di sakyan, dilalamon.

Sagot: Pangkayod

63. Binatak ko ang isa, pawis ang kasama. 

Sagot: Panyo
64. Noong malinis ay hinahamak,
nang magkaguhit ay kinausap. 
Sagot: Papel

65. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Sagot: Posporo

66. Isdang inasinan, nalusaw sa taguan;
pinakinabangan, ginawang sawsawan. 

Sagot: Patis

67. Bahay ng kapre, iisa ang haligi. 

Sagot: Payong

68. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan. 

Sagot: Payong

69. Di makita ay kalapit, kaya laging sinisilip

Sagot: Pilik-mata

70. Isang maliit na impyerno,
nagpapalabas ng magandang istilo. 

Sagot: Plantsa
71. Tumutugtuog, umaawit, walang pagod
ang pagpihit. 

Sagot: Ponograpo O Radyo

72. Sapagkat lahat na ay nakahihipo;
walang kasindumi't walang kasimbaho;
bakit mahal nati't ipinakatatago. 

Sagot: Salapi (pera) 
73. Bagama't nakatakip,
ay naisisilip. 

Sagot: Salamin ng mata
74. Buto't balat, lumilipad.

Sagot: Saranggola

75. Hindi naman hari, hindi naman pare,
       nagsusuot ng sarisari. 

Sagot: Sampayan

76. Ang ulo’y nalalaga
ang katawa’y pagala-gala.

Sagot: Sandok

77. Alipin ng hari, hindi makalakad,
kung hindi itali.

Sagot: Sapatos
78. Walang sala ay ginapos tinapakan pagkatapos.

Sagot: Sapatos

79. Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.

Sagot: Sapatos

80. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.

 Sagot: Sarangola

81. Isang lupa-lupaan sa dulo ng kawayan.

Sagot: Sigarilyo
82. Buklod na tinampukan,
saksi ng pag-iibigan.

Sagot: Singsing
83. Ipinalilok ko at ipinalubid,
naghigpitan ang kapit.

Sagot: Sinturon

84. Utusan kong walang paa’t bibig,
sa lihim ko’y siyang naghahatid,
pag-inutusa’y di n babalik.

Sagot: Sobre
85. Isang panyong parisukat,
kung buksa'y nakakausap.

Sagot: Sulat
86. Bumili ako ng alipin,
mataas pa sa akin.

Sagot: Sumbrero

87. Kahoy ko sa Marigundong,
sumasanga'y walang dahon.

Sagot: Sungay ng Usa

88. Aso kong si Pantalyon tumalon ng pitong talong, umulit ng pitong gubat bago nagtanaw dagat.

 Sagot: Sungka
89. Dalawang punsu-punsuhan,
ang laman ay kaligtasan.

Sagot: Suso ng Ina

90. Mayroon akong dalawang balon,
hindi ko malingon.

Sagot: Tainga

91. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.

Sagot: Tenga

92. Nang tangan ko'y patay, nang itapon ko'y nabuhay.

Sagot: Trumpo

93. Dugtong-dugtong, magkakarugtong,
tanikalang umuugong.

Sagot: Tren

94. Kumot ng hari, hindi mahati-hati.

Sagot: Tubig


95. Ang ibabaw ay tawiran, ang ilalim ay lusutan.

Sagot: Tulay

96. Dumating si Canuto, nangabuhay ang mga tao.

Sagot: Umaga

97. Buhok ni Adan di mabilang ng sinuman.

Sagot: Ulan

98. Kung araw ay patung-patong,
kung gabi'y dugtong-dugtong.

Sagot: Unan
99. Isang hukbong sundalo,
dikit-dikit ang mga ulo,

Sagot: Walis
100. Kung tingna'y mainit, hipui'y malamig,
umuusok ang paligidd.

Sagot: Yelo

101. Maging puti, maging pula,
sumusulat sa tuwina.

Sagot: Yeso
102. Hindi tao, hindi ibon,
bumabalik kung itapon.

Sagot: Yoyo

103. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

Sagot: Ziper