Mga Bagay
1.Walang bibig, walang
pakpak,
Kahit
hari’y kinakausap.
Sagot:Aklat
2. Manok kong pula inutusan ko
ng umaga umuwi’y
gabi na.
Sagot: Araw
3. Isang biyas ng
kawayan,
Maraming lamang kayamanan.
Maraming lamang kayamanan.
Sagot: Alkansiya
4. Heto, heto na,
Malayo pa’y humahalakhak na.
Malayo pa’y humahalakhak na.
Sagot: Alon
5. Mayroon akong matapat na alipin,
Sunod nang sunod sa akin.
Sunod nang sunod sa akin.
Sagot: Anino
6. Manok kong pula, Inutusan ko ng umaga,
Nang umuwi’y gabi na.
Nang umuwi’y gabi na.
Sagot: Araw
7. Kung dumating ang
bisita ko,
Dumarating din ang sa inyo.
Dumarating din ang sa inyo.
Sagot: Araw
8. Tubig
na nagiging bato,
Bato na nagiging tubig.
Bato na nagiging tubig.
Sagot: Asin
9. Wala sa langit, wala
sa lupa,
Kung lumalakad ay patihaya.
Kung lumalakad ay patihaya.
Sagot: Bangka
10. May likod walang
tiyan,
Matulin sa karagatan.
Matulin sa karagatan.
Sagot: Bangka
11. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig
12. Isang biyas ng kawayan,
Ang laman ay kamatayan.
Ang laman ay kamatayan.
Sagot: Baril
13. May katawa’y walang bituka,
May puwit walang paa,
Nakakagat tuwina.
May puwit walang paa,
Nakakagat tuwina.
Sagot: Baso
14. Buhay na hindi kumikibo,
Patay na hindi bumabaho.
Patay na hindi bumabaho.
Sagot: Bato
15. Kung sa ilang, walang kwenta;
Sa gusali mahalaga.
Sa gusali mahalaga.
Sagot: Bato
16. Sa buhatan
ay may silbi,
sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: Bayong
17. Hindi tao,
hindi hayop,
kung uminom ay salup-salop.
Sagot: Batya
18. Nagsasaing si pusong, Sa ibabaw ang tutong.
Sagot: Bibingka
19. Pinakain ko nang pinakain,
Pagkatapos ay ibinitin.
Pagkatapos ay ibinitin.
Sagot: Bingwit
20. Itinanim sa kagabihan,
Inani sa kaumagahan.
Inani sa kaumagahan.
Sagot: Bituin
21. Lumuluha
walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: Bolpen o Pluma
22. Nagbibigay
na, sinasakal pa.
Sagot: Bote
23. Isang pinggan, laganap sa buong bayan.
Sagot: Buwan
24. Iisa ang
pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Damit
25. Mahabang-mahaba,
tinutungtungan ng madla.
tinutungtungan ng madla.
Sagot: Daan
26. Nagsaing si Judas, kinuha ang hugas,
itinapon ang
bigas.
Sagot: Gata
27. Kung nakahiga’y patagilid,
kung nakatayo’y patiwarik.
kung nakatayo’y patiwarik.
Sagot: Gulok
o itak
28. Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang;
kapag sila’y nag papasyal, nahahawi ang daanan.
kapag sila’y nag papasyal, nahahawi ang daanan.
Sagot: Gunting
29. Karga ng karga, walang renta.
Sagot: Haligi
30. Heto, heto na, di mo nakikita.
Sagot: Hangin
31. Dalawang ibong marikit,
nagtitimbangan ng siit.
nagtitimbangan ng siit.
Sagot: Hikaw
32. Isang butil ng palay,
buong bahay ay nakakalatan.
buong bahay ay nakakalatan.
Sagot: Ilaw
33. Munting bundok,
hindi madampot.
hindi madampot.
Sagot: Ipot
34. Bahay ni Kiko, walang bintana, walang pinto.
Sagot: Itlog
35. Binili ko nang di kagustuhan,
Ginamit ko nang di nalalaman.
Ginamit ko nang di nalalaman.
Sagot: Kabaong
36. Bugtong-bugtong,
Magkakarugtong.
Magkakarugtong.
Sagot: Kadena
37. Araw araw bagong buhay,
Taun-taon namamatay.
Taun-taon namamatay.
Sagot: Kalendaryo
38. Isa ang
pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta
39. May katawan walang mukha,
walng mata’y lumuluha.
walng mata’y lumuluha.
Sagot: Kandila
40. May isang dalagang maganda’t marikit,
hindi lumalaki kundi lumiliit
hindi lumalaki kundi lumiliit
Sagot: Kandila
41. Hinila ko
ang baging,
nag-ingay ang
matsing.
Sagot: Kampana
42. Naririto si Pascualita,
hila-hila ang bituka
hila-hila ang bituka
Sagot: Karayom
43. Limang mag kakapatid,
tig-tig-isa ng silid.
tig-tig-isa ng silid.
Sagot: Kuko
44. May hita ay walang binti,
may ngipin ay walang labi.
may ngipin ay walang labi.
Sagot: Kudkuran
45. Baka ko sa Maynila abot dito ang unga.
Sagot: Kulog
46. Kadena’y isinabit, sa batok nakakawit.
Sagot: Kuwintas
47. Naabot na
ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: Kubyertos
48. Malaking
supot ni Mang Jacob,
kung sisidlan ay pataob.
Sagot: Kulambo
49. May bintana nguni't walang bubungan,
may pinto nguni't walang hagdanan.
Sagot: Kumpisalan
50. Itulak at hilahin, sigurado ang kain.
Sagot: Lagari
51. Butas na tinagpian ng kapwa butas.
Sagot: Lambat
52. Malapit sa tingin, hindi marating
Sagot: Langit
at Bituin
53. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mata
54. Hindi akin, hindi iyo, ari ng lahat ng tao.
Sagot: Mundo
55. Dalawang magkaibigan,
habulan nang habulan.
habulan nang habulan.
Sagot: Paa
56. Nagtago si Pedro,
nakalitaw ang ulo.
nakalitaw ang ulo.
Sagot: Pako
57. Walang pintong pinasukan,
nakapasok sa kalooban.
nakapasok sa kalooban.
Sagot: Pag-Iisip
58. May ulo'y walang mukha,
may katawa'y walang sikmura.
Namamahay ng sadya.
may katawa'y walang sikmura.
Namamahay ng sadya.
Sagot: Palito
Ng Posporo
59. Sariling-sarili mo na,
ginagamit pa ng iba.
ginagamit pa ng iba.
Sagot: Pangalan
60. Lumalakad, lumuluha, nag-iiwan ng balita.
Sagot: Panitik, Bolpen
o Lapis
61. Hugis ay
bituin, papel na nagniningning.
Sagot: Parol
62. Baboy ko sa Sorsogon, kung di sakyan, dilalamon.
Sagot: Pangkayod
63. Binatak ko ang isa, pawis ang kasama.
Sagot: Panyo
64. Noong malinis ay hinahamak,
nang magkaguhit ay kinausap.
nang magkaguhit ay kinausap.
Sagot: Papel
65.
Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
66.
Isdang inasinan, nalusaw sa taguan;
pinakinabangan, ginawang sawsawan.
pinakinabangan, ginawang sawsawan.
Sagot: Patis
67.
Bahay ng kapre, iisa ang haligi.
Sagot: Payong
68.
Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
Sagot: Payong
69.
Di makita ay kalapit, kaya laging sinisilip
Sagot: Pilik-mata
70. Isang maliit na impyerno,
nagpapalabas ng magandang istilo.
nagpapalabas ng magandang istilo.
Sagot: Plantsa
71. Tumutugtuog, umaawit, walang pagod
ang pagpihit.
ang pagpihit.
Sagot: Ponograpo
O Radyo
72. Sapagkat lahat na ay nakahihipo;
walang kasindumi't walang kasimbaho;
bakit mahal nati't ipinakatatago.
walang kasindumi't walang kasimbaho;
bakit mahal nati't ipinakatatago.
Sagot: Salapi
(pera)
73. Bagama't nakatakip,
ay naisisilip.
ay naisisilip.
Sagot: Salamin
ng mata
74. Buto't balat, lumilipad.
Sagot: Saranggola
75. Hindi
naman hari, hindi naman pare,
nagsusuot ng sarisari.
nagsusuot ng sarisari.
Sagot: Sampayan
76. Ang ulo’y nalalaga
ang katawa’y pagala-gala.
ang katawa’y pagala-gala.
Sagot: Sandok
77. Alipin ng hari, hindi makalakad,
kung hindi itali.
kung hindi itali.
Sagot: Sapatos
78. Walang sala ay ginapos tinapakan pagkatapos.
Sagot: Sapatos
79. Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos
80. Buto't
balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: Sarangola
81. Isang lupa-lupaan sa dulo ng kawayan.
Sagot: Sigarilyo
82. Buklod na tinampukan,
saksi ng pag-iibigan.
saksi ng pag-iibigan.
Sagot: Singsing
83. Ipinalilok ko at ipinalubid,
naghigpitan ang kapit.
naghigpitan ang kapit.
Sagot: Sinturon
84. Utusan kong walang paa’t bibig,
sa lihim ko’y siyang naghahatid,
pag-inutusa’y di n babalik.
sa lihim ko’y siyang naghahatid,
pag-inutusa’y di n babalik.
Sagot: Sobre
85. Isang panyong parisukat,
kung buksa'y nakakausap.
kung buksa'y nakakausap.
Sagot: Sulat
86. Bumili ako ng alipin,
mataas pa sa akin.
mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
87. Kahoy ko sa Marigundong,
sumasanga'y walang dahon.
sumasanga'y walang dahon.
Sagot: Sungay
ng Usa
88. Aso kong si
Pantalyon tumalon ng pitong talong, umulit ng pitong gubat bago nagtanaw dagat.
Sagot: Sungka
89. Dalawang punsu-punsuhan,
ang laman ay kaligtasan.
ang laman ay kaligtasan.
Sagot: Suso
ng Ina
90. Mayroon akong dalawang balon,
hindi ko malingon.
hindi ko malingon.
Sagot: Tainga
91. Kay
lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: Tenga
92. Nang tangan ko'y patay, nang itapon ko'y nabuhay.
Sagot: Trumpo
93. Dugtong-dugtong, magkakarugtong,
tanikalang umuugong.
tanikalang umuugong.
Sagot: Tren
94. Kumot ng hari, hindi mahati-hati.
Sagot: Tubig
95. Ang ibabaw ay tawiran, ang ilalim ay lusutan.
Sagot: Tulay
96.
Dumating si Canuto, nangabuhay ang mga tao.
Sagot: Umaga
97. Buhok ni Adan di
mabilang ng sinuman.
Sagot: Ulan
98. Kung araw ay patung-patong,
kung gabi'y dugtong-dugtong.
kung gabi'y dugtong-dugtong.
Sagot: Unan
99. Isang hukbong sundalo,
dikit-dikit ang mga ulo,
dikit-dikit ang mga ulo,
Sagot: Walis
100. Kung tingna'y mainit, hipui'y malamig,
umuusok ang paligidd.
umuusok ang paligidd.
Sagot: Yelo
101. Maging puti, maging pula,
sumusulat sa tuwina.
sumusulat sa tuwina.
Sagot: Yeso
102. Hindi tao, hindi ibon,
bumabalik kung itapon.
bumabalik kung itapon.
Sagot: Yoyo
103. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Ziper